Ipinagharap na ng patung-patong na kaso ni Senator Antonio Trillanes IV si Presidential Communications Assistant Sec.
Margaux “Mocha” Uson sa Office of the Ombudsman.
7 kaso ang isinampa ni Trillanes na pawang nag-ugat sa pagpapakalat umano ng fake news ni Uson.
Anim inihain laban kay Uson ay pawang criminal case kasama ang tatlong bilang ng cybercrime offense, isang paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, isang paglabag sa RA 6713 o code of ethics at isang kaso kaugnay sa paglabag sa revised penal code dahil sa falsification of documents.
Habang ang administrative case naman na isinampa ni Trillanes laban kay Uson ay may kinalaman sa grave misconduct dahil ginagamit umano ng opisyal ang posisyon nya para makapag-impluwensya.
Giit ng senador, mali ang paglalabas ng mga pekeng bank accounts na nagpapakita ng kaniyang mga pinaniniwalaang lihim na yaman sa ibang bansa.
Sinabi rin ni Trillanes na kinakailangang maturuan ng leksiyon si Uson pati na ang may-ari ng website kung saan lumabas ang mga bogus na bank accounts ng senador.
PCOO Asec. Mocha Uson, sinampahan ng reklamo ni Sen. Antonio Trillanes sa Ombudsman I @dzIQ990 pic.twitter.com/7L2DFFDeBg
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 22, 2017
7 kaso ang isinampa ni Sen. Trillanes kay PCOO Asec. Mocha Uson; 6 na criminal case at 1 administrative case I @MMakalaladINQ pic.twitter.com/hrpyhfby8T
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 22, 2017
Una nang sinabi ni Trillanes na handa siyang magpa-imbestiga at ayos lang din sa kaniya na mag-imbita ng fact-finding team ng Ombudsman para patunayang wala siyang mga off-shore account.
Samantala, pumunta rin sa Ombudsman si Magdalo Rep. Gary Alejano para magpakita ng suporta kay Trillanes.