Kumakalat kasi sa social media na suspendido ang trabaho maging ang pasok sa mga eskwelahan sa naturang mga petsa, kung kailan idaraos ang ASEAN Summit sa Metro Manila.
Ang Presidential Security Group o PSG umano ang source nito, na kumalat naman sa social media gaya ng Facebook.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang inilalabas na anumang deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Abella, ang lumabas sa social media ay hindi opisyal at hindi galing sa Malakanyang.
Sa ASEAN summit, inaasahang darayo sa bansa ang matataas na lider ng bansa gaya nina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
Ang Pilipinas ang host country ng ASEAN summit sa taong ito, kaya punong-abala ang gobyerno.