LOOK: Mga kanseladong biyahe ngayong araw ng Biyernes, Sept. 22

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela na ang mga sumusunod na biyahe ng CebGo – DG 6041, DG 6043 at DG 6057 na pawang Manila to Busuanga.

Gayundin ang DG 6042, DG 6044 at DG 6058 na ang biyahe naman ay pawang Busuanga to Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Sa weather forecast ng PAGASA, uulanin ang Palawan ngayong araw, dahil sa epekto ng Habagat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...