Biyahe ng MRT3 nagka-aberya, mga pasahero pinababa

Nagpababa muli ng mga pasahero ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) habang binabagtas ang northbound.

Sa abiso ng MRT sa twitter, alas 8:29 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa northbound ng Buendia Station.

Ito ay makaraang magkaroon ng interlocking habang bumibiyahe ang isang tren.

Agad namang dinala ang tren patungo sa depot para makumpuni.

Naibalik din agad sa normal ang biyahe.

 

Read more...