LPA at Habagat magpapaulan sa bansa ayon sa PAGASA

Maghahatid ng mga pag-ulan sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (LPA) at ang umiiral na Habagat.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 175 kilometers North East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Apektado ng nasabing LPA ang Visayas, Mindanao, Bicol Region at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon.

Habang Southwest monsoon naman ang maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon sinabi ng PAGASA na localized thunderstorms ang iiral na maaring magdulot ng pag-ulan sa hapon o gabi.

 

 

 

 

 

Read more...