Pulis-Caloocan na nasawi sa anti-drug operations, inihimlay sa Libingan ng mga Bayani

 

Binigyan ng hero’s burial ang pulis ng Caloocan City na nasawi habang nasa kasagsagan ng anti-drug operation noong September 12.

Inihatid na sa kaniyang huling hantungan si PO3 Junior Hilario sa Libingan ng mga Bayani kahapon.

Si Hilario ay nabigyan ng posthumous promotion ng Northern Police District.

Maliban dito, una na siyang binigyan ng Medalya ng Kagitingan ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde nang bumisita ito sa kaniyang lamay sa Caloocan.

Si Hilario ay nasawi sa engkwentro sa umano’y drug dealer na si Jayson dela Cruz, na nasawi din sa operasyon na isinagawa nila sa Camarin, Caloocan.

Read more...