Ayon kay Trump, nilalaman ng executive order ang dagdag na mga ‘sanctions’ ng Amerika sa ilang mga kumpanya, mga indibidwal at iba pang mga financial institutions na nakikipag-negosasyon sa kanyang tinaguriang “criminal, rogue regime” ng North Korea.
Pahayag pa nito, hindi dapat pahintulutan ang North Korea na abusuhin ang ‘international financial system’ upang mapondohan ang kanyang weapons development program.
Noong nakaraang araw, ipinag-utos rin ng Central Bank ng China ang pagpapahinto ng kanilang pakikipag-ugnayan sa North Korea.
Matatandaang nitong mga nakaraang buwan, patuloy ang palitan ng matatapang na salita nina Trump at Pyongyang, sa usapin ng nucleaer ballistic missile tests ng North Korea.