Ito ay ang kalimutan na ang pangyayari at mag-move on na.
Ayon kay Dela Rosa, ilang taon na rin ang nakalilipas na walang ganitong kalaking protesta laban sa pangyayaring ito.
Kaya’t nagtataka anya siya kung bakit binubuhay pa ito at iginiit sa mga nagpoprotesta na magmove on na.
Dagdag pa ni Bato, siya rin mismo ay nabiktima ng batas militar noong siya ay bata pa.
Ngunit ang pang-aabusong naranasan niya ay ginawa niya anyang pangako sa sarili na magiging mabuti siyang alagad ng batas balang araw.
Pinabulaanan din ng PNP chief na may plano si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law sa buong bansa at iginiit na ang tatlong sangay ng gobyerno sa kasalukuyan ay functional at epektibong nagagawa ang mandato ng mga ito.