MPD hihingin ang tulong ng Interpol para ma-locate si Ralph Trangia

Makikipag-ugnayan ang Manila Police District (MPD) sa Interpol para mahanap ang kinaroroonan ng isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na si Ralph Trangia.

Ito ay makaraang lumabas sa rekord ng Bureau of Immigration (BI) na si Trangia ay nakalabas na ng bansa noong Sept. 19.

Sa departure record ni Trangia, sa Taipei ito nagtungo.

Hihilingin din ng MPD sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang travel records nito.

Sa ganitong paraan, magiging ilegal ang pananatili ng suspek kung nasaang bansa man siya.

Nabatid naman ng MPD na si Trangia ay dati nang may record sa kanila.

Noong November 2016 kasi, si Trangia kasama ang pito pang miyembro ng Aegis Juris ay nasangkot sa isang rambol.

Nakarambulan ng grupo ni Trangia ang mga miyembro naman ng Gamma Delta Epsilon noong kasagsagan ng Bar Examanations sa UST.

Naganap ang rambol sa labas ng isang hotel Sa Maynila.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...