Masbate, niyanig ng magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang pagyanig sa 13 kilometers southeast ng Claveria.

Naitala ang lindol alas 11:39 ng umaga ng Huwebes, September 21.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 13 kilometers.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II sa Legaspi, Albay at Intensity I naman sa Masbate City.

Wala namang inaasahang pinsala na maidudulot ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...