10 taong gulang na Pinay, pumangalawa sa finale ng America’s Got Talent

 

Nabigo ang 10 taong gulang na Pinay na si Angelica Hale na makuha ang titulo para sa America’s Got Talent season 12.

Samga nakapasok sa final 5, si Angelica at ang singing ventriloquist na si Darci Lynne Farmer-12 anyos ang natira sa entablado.

Si Darci ang nakakuha ng pinakamaraming boto kaya ito ang itinanghal na grand winner.

Sa kaniyang naging performance sa finale, inawit ni Angelica ang Symphony ng grupong Clean Bandit.

Sa nasabi ring finale, nagkaroon din ng pagkakataon si Angelica na makasama sa opening performance ang singer na si Kelly Clarkson.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Angelica na “dream come true” para sa kaniya na makasama si Clarkson.

Si Angelica ay isang kidney transplant at sepsis survivor at ang kaniyang pamilya ay naka-base sa Atlanta, Georgia.

 

 

 

 

 

 

Read more...