Naganap ang pagyanig sa 84 kilometers South ng Loreto alas 9:19 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, may lalim lang na 78 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity 2 sa Loreto at Tubagon, Dinagat Islands dahil sa nasabing pagyanig.
Wala namang inaasahang pinsala at hindi rin magdudulot ng aftershock ang lindol
Sa unang impormasyon na inilabas ng Phivolcs, sinabi nito na magnitude 4.1 ang tumamang lindol sa Dinagat, pero kalaunan, itinaas sa 4.8 ang magnitude.
READ NEXT
WATCH: Pro-Duterte groups na kinabibilangan ng mga OFWs, nagtitipun-tipon na sa Liwasang Bonifacio
MOST READ
LATEST STORIES