Maagang nagtipun-tipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa 400 na mga dati at kasalukuyang OFWs kasama ang ilang nag-aapply pa lamang ng trabaho sa ibang bansa ang nagsama-sama para ipakita anila ang suporta sa pangulo.
Sa mga bitbit na placard, na sari-sarili nilang gawa, mababasa ang mga salitang “We believe in your hope and action”, “We love and support Du30” at “OFW needs your support, President Duterte”.
WATCH: Mga OFWs, nagtipun-tipon sa Liwasang Bonifacio bilang suporta kay Pangulong Duterte | @BrozasRicky pic.twitter.com/7110d74P7m
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 21, 2017
Pawang nakasuot ng kulay puti na t-shirt ang mga OFWs na karamihan ay galing sa Qatar, Hong Kong at Kuwait.
Ayon sa grupo, nais nilang ipakita ang kanilang pwersa bilang pasasalamat sa suporta ni Pangulong Duterte sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.
Mula sa Liwasang Bonifacio ay magmamartsa sila mamaya patungo sa Rizal Park para doon ituloy ang programa.