Mga tsuper at jeepney operators, sasasali din sa kilos protesta ngayong araw

Kuha ni Cyrille Cupino

Naghahanda na ang grupong PISTON sa gaganaping sabayang kilos-protesta kasabay ng paggunita sa ika-45 taon ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay Bong Bailon, Secretary General ng PISTON sa NCR, daan-daang jeepney drivers ang kanilang inaasahang lalahok sa malawakang kilos-protesta.

Nag-vigil rin ang mga tsuper sa tapat ng Peace Arch sa Mendiola, Maynila, nag-tirik ng mga kandila habang nakalatag ang mga placards.

Giit ng PISTON, tutol sila sa pag-phaseout sa mga jeepney, at pinapatay umano nito ang kanilang kabuhayan.

Inalmahan rin ng grupo ang walang-tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagpapaliit sa kanilang kita.

Magsasagawa ng caravan ang mga jeepney driver at magsasanib-pwersa sila ng iba’t iba pang sektor at sabay-sabay na magma-martsa patungo sa Luneta mamayang hapon.

 

Read more...