Panibagong LPA, binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar

Maliban sa Habagat na naka-aapekto sa Visayas at Mindanao, isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa 830 Kiloemters East ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24-oras.

Wala pa rin itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.

Ang Habagat naman ay magpapaulan ngayong araw sa Visayas at Mindanao, gayundin sa lalawigan ng Palawan.

Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

Read more...