FB messenger chat ng mga frat members na nagplano umano ng ‘initiation’ kay Atio Castillo, lumutang

 

FB/Hustisya para kay Horacio

Lumutang sa social media ang umano’y mga Messenger chat ng ilang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity, ang samahan na sinalihan ng napatay na UST law student na si Horacio Castillo III.

Sa naturang mga Facebook messenger chat na naka-post sa ‘Hustisya para kay Horacio’ FB group page, makikita ang pag-uusap ng pitong umano’y miyembro ng fraternity na pinag-uusapan ang magaganap na ‘initiation rites’ sa magiging bagong miyembro ng samahan.

Makikita sa ‘time stamp’ na naganap ang palitan ng mensahe araw ng Sabado hanggang Linggo, September 16 hanggang 17.

Sa unang bahagi ng palitan ng mensahe na nagsimula ng Sabado, makikita rin ang tila pag-uusap ng mga kalalakihan at paghahanda sa magaganap na pagsalang ng iisang neophyte sa kanilang gagawing ‘fraternity rites’.

Dapat sana ay isasagawa ang initiation sa isang lugar sa Bulacan ngunit nabago ito at inilipat na lamang sa isang lugar na tinaguriang ‘FL’.

Gayunman, nagbago ang takbo ng pag-uusap noong araw ng Linggo dakong alas 9:11 ng umaga nang magmensahe na ng ‘emergency’ ang isa sa mga personalidad na kabilang sa facebook messenger group.

Ipinapalagay na ito na ang panahon na isinugod na sa Chinese General hospital si Atio Castillo at idineklarang dead on arrival.

Read more...