Reward vs ‘ninja cops,’ itinaas sa P3-M

 

Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuyang ipinatong niya sa ulo ng mga tinaguriang “ninja cops,” o iyong mga pulis na sangkot din sa kalakalan ng iligal na droga.

Mula sa una niyang idineklarang P2 milyon, ginawa nang P3 milyon ni Duterte ang pabuya sa makakahuli sa mga tiwaling pulis.

Ani Duterte, ginawa niya ito dahil wala namang nahuhuli.

Noong August 2016 inanunsyo ng presidente ang tungkol sa P2 milyong pabuya sa mga makakahuli sa ninja cops.

Ito’y dahil maraming pulis na ang tumatanggap ng payola mula sa mga sindikato ng droga o kaya ay talagang sangkot na mismo sa kalakalan ng iligal na droga.

Read more...