Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Supt. Joel Coronel, ang tatlo ay sina John Paul Solano at ang mag-amang sina Antonio at Ralph Trangia.
Maliban sa tatlo na pawang primary suspects sa ngayon, sinabi ni Coronel na itinuturing ding suspek ang lahat ng miyembro Aegis Juris Fraternity.
Hawak na rin ng MPD ang listahan ng lahat ng opisyal at miyembro ng nasabing fraternity group.
Sa isinagawang press briefing, ipinakita ni Coronel ang nakuha nilang CCTV footage, kung saan nakuhanan pa si Castillo na naglalakad kasama si Solano.
Si Solano ang nagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital at batay sa kaniyang pahayag, sinabi nitong hindi niya kilala ang biktima at nadaanan lamang niya sa kalsada na nakahandusay kaya dinala niya sa pagamutan.
Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operations ang MPD laban kay Solano.
Hihingi rin ang MPD ng kopya ng CCTV sa loob ng UST bilang bahagi ng imbestigasyon.
Samantala, si Solano, at iba pang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris ay isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order ng Department of Justice.
Ito ay para matiyak na mababantayan ang kanilang mga pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.