18 ektarya ng Marawi City, kailangan pang i-clear ng AFP

Mayroon pang nalalabing 15 hanggang 18 ektarya ng lupain sa Marawi City na kailangang i-clear ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP public affairs chief Col. Edgard Arevalo, sa kabila nito ay tanging nasa 10 ektarya na lamang ang ginagalawan ng Maute Group.

Gayunman, ang battle area aniya ay napapaloob sa 10 ektarya at may 300 gusali pa ang hindi na-clear ng pwersa ng pamahalaan.

Hindi pa naman masabi ni Arevalo kung kailan matatapos ang bakbakan sa Marawi City na tumagal na ng apat na buwan.

Aniya, hindi sila nagbibigay ng deadline upang hindi ma-pressure ang pwersa ng gobyerno.

Bagaman may mga opisyal aniya ang nagpapahayag ng kanilang pag-asa na matapos na sa lalong madaling panahon ang gulo, wala aniyang nakatitiyak kung kailang ito magwawakas.

Read more...