Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio dahil sa mga kasong graft na nakasampa laban sa kaniya sa Sandiganbayan.
Dinala ng mga ahente ng NBI sa kanilang headquarters si Sabio, na sinamahan ng kaniyang misis na si Marlene.
Inilabas ng 4th at 5th Division ng Sandiganbayan ang warrant of arrest laban kay Sabio dahil sa kinakaharap nitong mga kaso ng malversation of public funds at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Oras naman na makapaglagak siya ng piyansang nagkakahalaga ng P80,000, maari na siyang makalaya pansamantala.
Nahatulan ng Sandiganbayan si Sabio noong Hunyo dahil sa umano’y maanomalyang pag-arkila sa 11 sasakyan noong 2007 at 2009 na nagkakahalaga ng P12 milyon noong siya pa ang namumuno sa PCGG.
Nasintensyahan siyang makulong ng hanggang sa 12 taon, pero iginiit ni Sabio na iaapela niya ito sa korte.