WATCH: P1.1M na halaga ng shabu at ecstacy, nasabat ng PDEA sa Condo unit sa Mandaluyong

Sinalakay ng mga tauhan ng Special Enforcement Unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang unit sa GA Tower sa EDSA, Mandaluyong City.

Target ng operasyon si Jovit Atilano, alias OJ, at bitbit nila ang search warrant na inisyu ni Mandaluyong Executive Judge Esteban Tacla Jr.

Sa paghahalughog sa unit, nakuha ng mga taga PDEA ang daan-daanng piraso ng party at sex drug na ecstacy, gayundin ang ilang piraso ng valium, mogadon at ilang sachets ng hinihinalang shabu.

Inamin ni Atilano na noong nakaraang linggo lang siya tumigil sa pagbebenta ng drugs nang mahuli na ang kanyang mga kaibigan sa isa rin anti-drug operation.

Narito ang report ni Jan Escosio:

 

Read more...