Public schools at pasok sa gobyerno lang ang sakop ng suspensyon sa Sept. 21

Nilinaw ng Malakanyang na tanging ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan ang sakop ng suspensyon sa Huwebes, September 21 na idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maglalabas ng memorandum circular ang Office of the Executive Secretary hinggil sa suspensyon.

Pero inanunsyo na ni Abella na suspendido ang klase sa lahat ng public schools at gayundin sa mga state colleges at universities.

Sa pasok naman sa gobyerno, sakop ng suspensyon ang national at local government.

Ipinaubaya ng Malakanyang sa management ng mga private company at schools heads ng private schools ang pagpapasya kung nais nilang magdeklara din ng suspensyon para sa nasabing petsa.

Inaasahan na maraming isasagawang kilos protesta sa nasabing araw na ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...