WATCH: Lalaking dating gumagamit ng droga, patay sa pananambang sa Muntinlupa City

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos tambangan sa M.L. Quezon St., Purok 5, Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si Valerio Villafor, alyas ‘Boyet’, 48 anyos, walang trabaho.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, naka-tambay lang ang biktima sa kalsada nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Apat na lalaki umano ang pumatay sa biktima na sakay ng dalawang motorsiklo, nakasuot ng itim na jacket at naka-face mask.

Hinala ng mga opisyal ng barangay, posibleng may kinalaman sa droga ang motibo ng pagpatay kay Villaflor dahil kilala umano itong gumagamit ng droga noon.

Nakuha sa lugar ang walong basyo ng caliber .38 na baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Muntinlupa City Police sa nasabing insidente.

Read more...