Mga estudyante ng UST nag-vigil para kay ‘Atio’ Castillo

 

Nagsindi ng kandila at nag-vigil ang mga law students University of Sto. Tomas (UST) sa loob ng unibersidad kagabi bilang pakikiramay sa pagpanaw ni Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III na nasawi umano sa hazing.

Giit ng mga estudyante ang hustisya sa pagkamatay ng 22-anyos na law student na sinasabing nasawi matapos dumanas ng pahirap sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Bukod dito, naglunsad naman ng kilos protesta ang ilang estudyante at mga kabataan sa labas ng UST at nagtirik rin ng kandila.

Samantala, nadala na sa Heritage park sa Taguig ang labi ni Castillo.

Read more...