Ex-BOC chief Faeldon at 11 isa pa, kinasuhan na dahil sa nakalusot na P6.4-B shabu shipment

 

Sinampahan na ng reklamo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon at labing-isa pang personalidad dahil sa paglusot ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu papasok ng bansa.

Sa reklamong inihain ng PDEA sa Department of Justice, (DOJ) nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Faeldon at ilan pang opisyal ng BOC.

Ito’y bukod pa sa paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Law.

Batay sa complaint, nagkuntsabahan umano sina Faeldon kaya’t nakalusot ang droga sa kustodiya ng BOC.

Dahil din diumano sa kapabayaan nina Faeldon, nakatakas ang Chinese na si Chen Ju Long at ilan pang Chinese at Pinoy na personalities na utak umano sa pagpapalusot ng droga sa bansa.

Matatandaang humantong pa sa imbestigasyon sa Senado ang paglusot ng multi-bilyong pisong halaga ng shabu sa kamay ng mga BOC.

Read more...