Ang naturang fraternity ang nadadawit sa pagkamatay ng 1st year law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III na dumanas umano ng pahirap nang sumalang sa hazing.
Ayon sa statement ni Divina, hindi na siya aktibo sa mga gawain ng Aegis Juris Fraternity dahil matagal na siyang naghain ng leave of absence mula sa kapatiran.
Ito aniya ay mula nang maupo siya bilang dean ng Faculty of Civil Law ng unibersidad.
Gayunman, nangako si Atty. Divina na isasalang sa malalimang imbestigasyon ang kaso ng pagkamatay ng 22-anyos na law student upang malaman ang puno’t dulo ng pagkamatay nito.
Una rito, pinatawan ni Atty. Divina ng preventive suspension ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity at hindi muna pahihintulutang makapasok sa campus o sa kanilang mga klase.