Sarah Lahbati, buntis sa pangalawang baby

 

Mula sa IG

Inanunsiyo ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account na siya ay buntis sa kanyang pangalawang baby nila ni Richard Gutierrez.

Ayon kay Sarah, patuloy na lumalaki ang kanilang maliit na pamilya.

Aniya magiging kuya na ang kanilang anak na si Zion.

Kaugnay nito, nakakaranas si Sarah ng mga back pains, cramps at mood swings nitong mga nakaraang araw.

Dagdag pa ng aktress siya ay nagke-crave sa dimsum.

Matatandaang ilang buwan lang ng inanunsiyo rin ni Sarah ang kanilang engagement nila ni Richard.

Samantala, pinasalamatan ni Richard ang Panginoon sa panibagong blessing na dumating sa kanilang buhay.

Read more...