Natitirang 20,000 pabahay para sa Yolanda victims aabutin pa ng tatlong taon bago matapos

 

File Photo

Aabutin pa ng karagdagang tatlong taon upang matapos ang konstruksyon ng mga pabahay para sa Yolanda Victims sa Eastern Visayas.

Sa pagdinig ng House Committee on Housing sinabi ni National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr, tapos ang bidding sa natitirang 20,000 housing units.

Ipinaliwanag naman ni Escalada na mabagal ang pag-usad ng konstruksyon ng mga pabahay dahil sa mga problemang teknikal tulad ng land conversion at land title.

Kinumpirma naman nito na isa lamang kontraktor ang nakakuha ng proyekto.

Samantala, nasa 43 kontratista ng NHA para sa Yolanda Housing projects ang pinatawan ng civil damages dahil sa kabiguang tapusin ang proyekto sa itinakdang panahon.

Bukod dito, mahaharap din ang mga nasabing kontratista sa termination at blacklisting mula sa ahensya.

Read more...