Nagtungo sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD) ang mga magulang ni Horacio Tomas Castillo III, para sa kanilang affidavit.
Hindi naman nagbigay ng detalye ng affidavit ang ama ng biktima na si Horacio “Jun” Castillo Jr., ganun pa man inamin nito na wala pa silang matukoy na suspek sa pagkamatay ng anak.
Tumanggi rin si MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo na magbigay ng detalye kahit sa bilang ng mga suspek.
Iniiwasan umano nila na maapektuhan ang ginagawa pa nilang imbestigasyon.
Gagawa pa ng progress report pagtapos magbigay ng affidavit ang mga magulang ni Castillo at agad silang nagpunta sa Archangel Funeral Homes kung saan na dinala ang mga labi ng kanilang anak.
Ayon sa ama ng biktima na sinabi ng anak na legitimate umano at kinikilala ng University of Sto. Tomas ang Aegis Juris Fraternity na kanyang inaniban.
Sinabi rin umano ng kanyang anak na hindi sangkot sa anumang uri ng pananakit sa mga miyembro o hazing ang nasabing fraternity.
Sa UST campus nagsagawa ng vigil ang mga law students sa harap ng Faculty of Civil Law building kung saan karamihan sa kanila ay may suot din ng black ribbon.
Sa labas ng unibersidad ay nagsagawa naman ng kilos protesta ang ilang estudyante at kabataan at doon sila nagtirik ng mga kandila sabay ang panawagan ng hustisya para sa biktimang si Castillo.