Ito’y matapos ang kabi-kabilang ethics complaint na isinampa laban kina Sen. Antonio Trillanes at ang huli ay ang ethics complaint na isinampa laban kay Sen. Panfilo Lacson ni resigned Customs Commisioner Nicanor Faeldon kanina.
Ayon kay Sotto, susulatan niya ang mga pinuno ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Justice at Blue ribbon committee para abisuhan ang mga ito sa ganyang gagawing pag-inhibit.
Samantala, inumpisahan na umanong basahin at pag-aralan ni Sotto ang ethics complaint ni Faeldon laban kay Lacson.
Giit ni Sotto, dadaan sa regular na proseso ang reklamo ni Faeldon kung saan bibigyan muna nila ng kopya ang mga miyembro ng ethics committee para mapag-aralan.
Sakaling may sapat na basehan, saka naman ito bibigyan ng kopya si Lacson para sumagot.