Nilinaw ng isang opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi nila isasabotahe ang anti-martial law rally sa September 21.
Ipinaliwanag ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na nagkataon lang na sa nasabi ring petsa gagawin ang earthquake drill.
Sinabi ni Marasigan na sa simula pa lamang ng taon ay naka-kalendaryo na ang nasabing event na kadalasang ginagawa tuwing ikaapat na buwan.
Bahagi umano ito ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang paghahanda sa tinatawag na “the big one”.
Nilinaw ng opisyal na naitakda ang petsang Septmebr 21 sa pulong ng NSED noong June 25.
Sa September 21 ay nakatakdang magsagawa ng malaking rally sa Luneta ang Movement Against Tyranny kaugnay sa ilan umanong human rights violation na kinasasangkutang ng Duterte administration.
Ang nasabing petsa ay inanunsyo ng grupo noong September 7.