Ito ay makaraang makahanap ng probable cause ang Ombudsman na kasuhan ang mga ito sa sandiganbayan dahil sa paglabag sa Section 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) dahil sa pagpasok sa maanomalyang kontrata sa isang towing company noong 2015..
Sa resolusyon ng anti-graft body, natuklasan na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon na nagpapahintulot kay Mabilog na pumasok sa isang memorandum of agreement (moa) sa 3L Towing Services para sa implementasyon ng clamping ordinance nito.
Sa ilalim ng kasunduan, aabot sa 70 porsyento ng koleksyon ay mapupunta sa towing company habang ang matitirang 30 porsyento ay sa local government unit.
Ayon sa Ombudsman, nagtuturuan sina Mabilog at Nava na siyang tunay na may-ari ng 3L at kumuha ng dummy owner para dito.
Pareho ding nagsabi ang dalawa na may pansariling interes sa MOA ang isat isa.
Pero sinabi ng Ombudsman, malinaw sa pagtuturuan ng dalawang opisyal na nagsabwatan ito para likhain ang 3L Towing Services, para mairehistro ito bilang negosyo at makuha ang kontrata nang hindi dumadaan sa isang competitive bidding.