Aegis Juris Fraternity nangako ng tulong sa UST student na biktima ng hazing

Nangako ang Aegis Juris Fraternity na makikipag-ugnayan sa mga otoridad kaugnay ng imbestigasyon ng pagkasawi ng isang estudyante ng University of Santo Tomas dahil sa hazing.

Sa pahayag ng grupo, ipinarating nito ang pakikiramay sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

Si Castillo ay first year student ng UST at nasawi dahil sa hazing, batay sa autopsy ng Manila Police District.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa Balut sa Tondo, Maynila noong Linggo.

Nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Umaasa ang ama nito na si Horacio Castillo Jr. na matugunan agad ng pamunuan ng UST ito.

Sa kanilang pahayag. Tiniyak ng liderato ng unibersidad na tutulong sila para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima.

Read more...