Lacson hindi natinag sa isinampang ethics complaint ni Faeldon

Hindi nababahala si Senador Panfilo Lacson sa isinampang ethics complaint laban sa kanya ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa panayam, wala umanong problema kung magsampa ng complaint si Faeldon laban sa kanya kasabay ang pagkwestyon ng dating pinuno ng BOC sa parliamentary immunity ng mga senador sa kanilang privilege speech.

Paliwanag ni Lacson, hindi maaring gamiting basehan ng kampo ni Faeldon ang pagsususpinde noon kay dating Senador Sergio Osmena dahil naganap ito bago ang paglikha ng 1987 constitution.

Nauna nang sinabi ni Faeldon na sangkot rin sa smuggling ng semento ang anak ni Lacson na si Pampi.

Bukod kay Lacson sasampahan rin ng ethics complaint ni Faeldon ang dating kasamahan sa Magdalo na si Sen. Antonio Trillanes.

Read more...