Ayon sa pahayag, mariin nilang kinukondena ang anumang uri at paraan ng hazing sa unibersidad.
Nakikisimpatya at nagpapaabot rin ng panalangin ang UST sa pamilya ni Horacio Castillo III.
Sisiguraduhin umano ng pamunuan ng paaraalan na mabibigyan ng karampatang parusa ang sinumang nasa likod ng pagpatay upang mabigyan ng hustisya si Horacio.
Kasalukuyan na umano silang nagiimbestiga upang malaman ang katotohanan at para maisagawa ang kinakailangang legal na aksyon.
Kaugnay nito ay naglabas na rin ng Memorandum Order ang Faculty of Civil Law ng UST kung saan preventively suspended ang lahat ng officers at miyembro ng Aegis Juris, ang fraternity na sangkot sa hazing.
Simula ngayong araw ay hindi na maaring pumasok ang mga myembro nito sa unibersidad, sa Faculty of Law at maging sa kani-kanilang klase hangga’t walang kautusang binababa ang pamunuan ng UST.
Samantala, mamaya ay magsasagawa ang Civil Law Student Council ng UST ng isang prayer vigil para kay Horacio sa UST Civil Law lobby.