“Salamat! I pray for you. God bless you….I’am Physically strong…handsome”.
Yan ang maiksing pahayag ni Father Chito Suganob makaraan siyang iharap sa mga miyembro ng media sa Camp Agauinaldo ng mga opisyal ng Department of National Defense at militar.
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na rescue si Subanob sa Bato Mosque sa bahagi ng Dansalan, Marawi City.
Base sa kanilang pagtatanong, sinabi ni Suganob na may labingdalawang bihag siyang kasama sa Bato Mosque.
Grupo ni Omar Maute ang nagbabantay nasabing Mosque nang salakayin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines noong nakalipas na Sabado ng gabi.
Ayon sa impormasyon na hawak ng militar, tanging si Omar na lamang ang natitira sa mga lider ng Maute group.
Pansamantala munang hindi ihahayag sa publiko ang ilan sa mga importanteng impormasyon na nakuha nila kay Father Suganob.
Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na naikwento sa kanya ni Suganob na naging maayos ang pagtrato sa kanya ng mga terorista.
Regular umano siyang pinakakain pero hindi niya alam ang sitwasyon ng iba pang mga bihag.
Binanggit din daw ng nasabing lider ng simbahang katolika na handa na siyang mamatay nang siya ay mailigtas ng mga tropa ng pamahalaan sa gitna ng barilan.