Dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon, naghain ng ethics complaint laban kay Sen. Panfilo Lacson

Nais ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na masuspinde o ‘di kaya ay matanggal sa pwesto si Senator Panfilo Lacson.

Sa 27-pahinang ethics complaint na personal na ihinain ni Faeldon kasama ang kanyang abogado na si Atty. Jose Diño, iginiit nitong pawang kasinungalingan ang mga naging alegasyon ni Lacson sa kanyang privilege speech noong Agosto 23.

Paliwanag ni Faeldon, kwestyunable ang intensyon ng senador dahil wala itong malinaw na ebidensya na isinumite para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Samantala, iginiit naman ng abogado ni Faeldon na si Atty. Diño na dapat ay utusan ng ethics committee si Sen. Lacson na maglabas ng ebidensya sa kaniyang mga ibinunyag.

Si Faeldon ay nasa kustodiya ng senado matapos ang paulit na pag-isnab sa imbitasyon na dumalo siya sa pagdinig sa mga alegasyon ng korapsyon sa Customs.

 

Read more...