Kumpirmadong hazing ang ikinamatay ng 22-anyos na UST student ayon sa medico legal ng MPD

Kuha ni Cyrille Cupino

Nasawi ang first year University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III matapos sumailalim sa hazing.

Ito ang inilahad ng duktor ng Manila Police District (MPD) medico-legal makaraang maisagawa ang autopsy kay Castillo.

Ayon sa MPD medico-legal, massive heart attack ang ikinasawi ng estudyante dahil sa matinding injuries na nakuha nito.

Ang team ng medico-legal mula sa MPD ay dumating sa morgue kung saan nakalagak si Castillo para isagawa ang autopsy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, nanawagan ang ama ng biktima na si Horacio Castillo Jr., sa pamunuan ng UST na aksyunan ang nangyari sa kanilang anak.

Sigaw ni Ginoong Castillo, hustisya para sa anak nila na ang tangi lamang pangarap ay maging ganap na abogado at balang araw ay maging punong mahistrado.

“I want justice for my son, this is murder,” ayon kay Castillo Jr.

Hindi rin makapaniwala ang ina ng biktima na si Ginang Carmina Castillo sa sinapit ng anak.

Aniya, naniwala at nagtiwala ang anak nila na maayos ang magiging magtrato sa kaniya sa pagsali sa Aegis Juris lalo pa at maging ang Dean ng UST Faculty of Civil Law na si Atty. Nilo Divina ay miyembro din ng nasabing fraternity.

 

 

 

 

 

Read more...