Janet Lim-Napoles maghahain din ng motion for bail sa kinakaharap na kasong plunder

Matapos makalaya si dating Senador Jinggoy Estrada, kumpiyansa ang kampo ng tinaguriang ‘Pork Barrel Queen’ na si Janet Lim-Napoles na siya ay makalalaya din.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Dennis Buenaventura, matapos paburan ng Sandiganbayan ang motion for bail ni Estrada, maghahain din sila ng parehong misyon para makalaya si Napoles.

Magandang development aniya sa kaso ni Napoles ang pagkakalaya ni Estrada at itinuturing niya itong paborable sa kaniyang kliyente.

Sinabi ni Buenaventura na gaya ni Estrada, hindi rin naman maituturing na si Napoles ang “main plunderer” sa kaso lalo pa at siya ay isang pribadong indibidwal at hindi nagtatrabaho sa gobyerno.

Dagdag pa ni Buenaventura, dahil pareho ng ‘essence’ ang kaso nina Estrada at Napoles, ang benepisyo ng isa ay dapat maging benepisyo din ng lahat ng nakasuhan.

Sa 5th division muna ng Sandiganbayan maghahain ng motion for bail ang kampo ni Napoles at saka isusunod ang iba pang dibisyon kung saan ito may nakabinbin ding kasong plunder.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...