Muling nagka-aberya ang MRT3 sa pagitan ng Ortigas at Shaw Blvd. station sa northbound area nito na naging dahilan upang bumaba ang mga pasaherong sakay nito kaninang hapon.
Ayon sa pamunuan ng MRT, nagka-problema ang Automatic Train Protection ng isang bagon sa hindi matiyak na dahilan.
Dahil dito, ilang mga sakay ng tren ang napilitang bumaba at maglakad na lamang sa gilid ng tren upang makarating sa terminal.
Dahil din sa nasabing problema, naapektuhan rin ang biyahe patungo ng southbound dahil iisang riles lamang ang dinadaanan ng mga tren nito.
Patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pamunuan ng MRTupang malaman ang naging sanhi ng aberya ng tren.
MOST READ
LATEST STORIES