Meralco, magbabawas sa presyo ng kuryente

 

Magtatapyas ng P0.57 sentimo sa singil ng kanilang kuryente ang Manila Electric Company o Meralco para sa buwang ito ng Setyembre.

Dahil dito, para sa isang household na kumukonsumo ng nasa mahigit 200 kilowatthour bawat buwan, mababawasan ang kanilang bayarin ng hanggang sa P114 pesos.

Ayon kay Joe Zaldarriaga ng Meralco, ito na ang ika-pitong rate adjustment ng Meralco para sa taong ito.

Bunsod ng pinakahuling rate adjustment, bumaba na sa kabuuang P2.13 ang halaga ng ibinawas sa presyo ng kuryente ng mga customer ng Meralco sa loob ng limang buwan.

Bukod sa generation charge, bumaba rin ng P0.04 at P0.05 ang transmission charge at buwis ng naturang power company para sa buwang ito.

 

 

Read more...