Bahagi ng station 2 sa Boracay, tinupok ng apoy

Nasunog ang dinarayong D’ Talipapa sa Boaracay Island sa Aklan, Lunes (Sept. 18) ng umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng madaling araw.

Tumagal ng apat na oras ang sunog bago tuluyang naapula.

Maliban sa D’ Talipapa na dinarayong wet market sa station 2 sa Boracay, marami pang establisyimento ang nadamay sa sunog.

Tinatayang nasa isang ektarya ang lawak ng D’ Talipapa.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...