Mga Pinoy na naapektuhan ng Hurricane Irma sa BVI, nasa Puerto Rico na

(PHOTO: Philippine Embassy-USA)

Nakabiyahe na patungong Puerto Rico ang mga Pinoy na naapektuhan ng Hurricane Irma sa British Virgin Islands.

By batch na dumating ang mga Pinoy sa San Juan Luis Muñoz Marin International Airport sa Puerto Rico simula Linggo ng hatinggabi hanggang umaga ng Lunes oras sa Pilipinas sakay ng Air Sunshine flights.

Sinalubong sila ng mga opisyal at staff mula sa Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. at mga tauhan ng POLO-OWWA.

Ayon sa embahada, nasa 112 ang bilang ng mga bumiyaheng Pinoy na inasistihan para madala sa hotel at mapagkalooban ng makakain.

Mula Puerto Rico, bibiyahe naman sila pabalik ng Pilipinas sakay ng chartered flight.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 200 mga Pinoy ang nagnais na magpa-repatriate mula sa British Virgin Islands matapos silang maapektuhan ng Hurricane Irma.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...