Ito ay dadaluhan ng mga delegado, foreign ministers at mga senior officials mula sa iba’t ibang bansang kasapi ng ASEAN.
Layon ng pagpupulong na mapalawig ang mga stratehiya at pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon na labanan ang iba’t ibang uri ng transnational crimes.
Masaya naman si Department of Interior and Local Government Acting Secretary at pinuno rin ng AMMTC na si Sec. Catalino S. Cuy na ang bansa ang host ng pagpupulong ngayong taon lalo pa’t aktibo ang pamahalaan sa pagsupo sa mga transnational crimes partikular sa human trafficking.
Dadalo rin ang mga opisyal at ministers ng Japan, China at South Korea na magpaparticipate bilang dialogue partners.
Samantala, bukod sa AMMTC, gaganapin din ngayong araw ang 2nd Special ASEAN Ministerial Meeting on the Rise of Radicalization and Violent Extremism.
Layon nitong makabuo ng platform na magpapadali sa pagbabahaginan ng mga member states na maresolba ang isyu ng ‘radicalization at violent extremism.’
Ang Pilipinas ang maghohost sa four-day event bilang bahagi ng chairmanship nito sa ASEAN ngayong taon.