Mas mahabang gabi, malapit nang maranasan

 

Mas mahabang gabi na ang mararanasan ng Pilipinas pagkatapos ng autumnal equinox na magaganap sa September 23.

Ayon sa PAGASA, sa kasagsagan ng autumnal equinox ay magiging pantay ang haba ng araw at ng gabi sa buong planeta.

Dahil dito, mas mahahabang gabi na ang mararanasan hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa sa northern hemisphere.

Bababa kasi ang araw sa celestial equator, dahilan para mas tumutok ito sa southern hemisphere, kaya mas hahaba naman ang araw sa bahaging iyon ng planeta.

Tuwing buwan ng Setyembre nagaganap ang autumnal equinox na nagsisilbing hudyat kung kailang magsisimulang tumapat sa timog bahagi ng planeta ang araw dahil sa pag-tilt ng Earth pataas.

Read more...