Duterte, dapat munang kumonsulta sa security officials bago ibalik ang peace talks sa NDFP

 

Naniniwala ang Palasyo na mas makabubuting humingi muna ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga security officials bago siya muling sumabak sa peace negotiations kasama ang mga komunistang rebelde.

Ito’y matapos magpahayag ang pangulo na bukas naman siya sa pagpapatuloy ng peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Nabanggit ito ng pangulo matapos palayain ng New People’s Army (NPA) ang isang pulis na kanilang bihag na si SPO2 George Cañete Rupinta.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kailangan munang kumonsulta ni Duterte hindi lang sa kaniyang security cluster kundi pati na rin sa iba pang sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa peace talks.

Tiniyak naman ni Abella na sa kabila ng paninindigan ng pangulo para maprotektahan ang bansa labansa karahasan at terorismo, ang taning layunin niya ay ang magkaroon ng sustainable peace sa bansa.

Read more...