Lalake, namatay sa loob ng horror house sa Hong Kong

 

Getty Images

Tunay na hindi nakalabas ng buhay ang isang 21-anyos na lalake matapos itong masawi sa loob ng isang horror house sa loob ng Ocean Park sa Hong Kong.

Ayon sa mga otoridad, nakilala lamang ang biktima sa pangalang Mr. Cheung, na natagpuang wala nang malay, limang minuto matapos itong pumasok sa ‘Buried Alive’ ride sa naturang theme park.

Sa inisyal na pagsisiyasat, posibleng tinamaan ng matigas na bagay sa kanyang ulo ang biktima habang nasa loob ng horror ride na dahilan ng pagkamatay nito.

Diumano, napunta sa restricted area na bahagi ng haunted house attraction ang biktima at tinamaan ng isa sa mga ‘kabaong’ na ginagamit bilang ‘props’ sa naturang atraksyon.

Bagamat nadala pa sa pagamutan ang biktima ay hindi na rin naisalba ng mga doktor ang buhay nito.

Isa ang ‘Buried Alive’ ride sa Hong Kong Ocean Park sa mga bagong atraksyon sa naturang theme park kung saan papasok sa ‘kabaong’ ang isang parukyano bago ito magsusumikap na makalabas sa kanyang pagkakalibing.

 

 

Read more...