Kuwait, pinaaalis na ang ambassador ng North Korea

 

Pinatatalsik na ng Kuwait ang ambassador ng North Korea at apat pang diplomat ng naturang bansa.

Ang desisyon ng Kuwait ay sa gitna ng pressure mula sa Amerika at iba pang bansa sa Asya na suportahan ang pagputol ng ugnayan sa North Korea sa gitna ng pagpapalakas nito ng kanilang ballistic missile program.

Kabilang sa mga opisyal na pinababalik na ng North Korea sa loob ng isang buwan si Ambassador Chang Sik at apat sa kanyang staff.

Dahil sa desisyon, posibleng malimitahan na ang pagpasok ng pera mula sa mga North Korean workers na nakabase sa Kuwait at malimitahan ang pondo na ginagamit nito sa kanilang nuclear program.

Sa 2015 report mula sa UN, nasa 50,000 manggagawang North Korean ang nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Kuwait na nagpapasok ng aabot sa $1.2 bilyon hanggang 2.3 bilyong dolyar taun-taon sa ekonomiya ng North Korea.

Read more...