Fr. Chito at isa pang bihag, kumpirmadong nabawi na

Kumpirmado nang nabawi si Father Rey Teresito Larroza Soganub o mas kilala bilang si Father Chito at isa pang bihag sa kamay ng ISIS-inspired Maute terror group sa Barangay. Sangcay Dansalan, Marawi City.

Nabatid na bandang alas onse kwarenta kagabi nabawi ng tropa ng militar si Father Chito, edad 51 ng Norala, South Cotabato.

Kasamang nabawi ng militar ang isa pang bihag na si Lordbin Noblesa Acopio, edad 29 na residente ng Badiangan, Ilo-ilo City.

Matatandaang binihag ang dalawa sa kasagsagan ng panggugulo ng teroristang Maute group sa Marawi noong May 23.

Sa ngayon, dinala ang mga biktima sa tactical command post para sa proper disposition.

Read more...