Dalawang PAL flights, kanselado

Courtesy: MIAA Facebook page

Kanselado ang ilang flight ngayong araw dahil sa masamang panahon sa Japan.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang dalawang biyahe ng Philippine Airlines na:

– PR 408 Manila to Osaka, Japan

– PR 438 Manila to Nagoya, Japan

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na tumawag sa airline company para sa rebooking o refund.

Read more...